Linggo, Marso 24, 2013

Usok

 
             Ayaw na ayaw ko ng nakaka amoy ng anumang usok.  Usok mula sa sasakyan, sigarilyo at lalong lalo na yung nanggagaling sa sinusunog na basura.  Salamat sa Diyos dahil wala naman ako sakit na hika pero pag nakaka amoy ako ng usok ay talagang sumasakit ang dibdib ko.  Marami parin sa kasalukuyan ang nagsusunog ng basura sa kanilang mga bakuran.  Marahil nasa isip nila na sa ginagawa nila ay nakaka tulong sila sa kapaligaran sa pamamagitan ng pagbabawas ng basura. Subalit di nila nalalaman na sa pamamagitan nito ay nagdadala sila ng panganib sa kalusugan ng mga taong nakaka amoy ng usok ng pagsusunog ng basura at higit din panganib sa ating kapaligaran.  
            Anu-ano nga ba ang mga masasamang epekto ng pag-susunog ng basura?

SA KALUSUGAN:
        Ito ang ilang mga sangkap ng usok na nagmumula sa nasusunog na basura at ang mga epekto nito sa ating kalusugan.
  • dioxins, - nagpapahina ng immune system at maaring magdala ng sakit na cancer
  • particle pollution,- nagdudulot ng asthma, bronchitis, at heartbeat irregularities
  • polycyclic aromatic hydrocarbons, -maaring magdulot ng cancer
  • volatile organic compounds, - maaring magdulot ng infection sa mata, ilong at lalamunan
  • carbon monoxide,- maaring magdulot ng sakit ng ulo, pagkahilo, pagsusuka at panghihina ng katawan.
  • hexachlorobenzene, - ang palagian exposure dito ay maaring magdulot ng di maganda sa sanggol sa sinapupunan, maaring maapektuhan din ang kidney at liver. Maaring magdulot din ng cancer
  • ash.  ang mga abo mula sa nasunog na basura ay higit na mapanganib depende sa klase ng sinunog na basura. Kung ang abo na nalanghap ay may toxic metals gaya ng mercury, lead, chromium, at arsenic ito ay maaring magpapataas ng blood pressure, sakit sa puso, problema sa kidney at sa may masamang epekto din sa utak ng tao.
              Bukod sa paglanghap ng mga substance na nagmumula sa nasusunog na basura, ang mga ito din ay maaring mapunta sa mga  pananim na gulay, prutas, sa mga isda at mga alagang hayop na ating kinakain.  Kapag palagian itong konsumo natin, ang mga epekto na naitala sa itaas ay maaring maka apekto din sa ating kalusugan.

KAPALIGRAN
      Ang pagsusunog ng basura ay may direktang epekto sa ating kapaligaran.  Kapag nagsunog ng basura, ang green house gases ay ang init na nagmumula sa araw ay nakukulong sa mundo na dapat ay bumabalik sa kalawakan. Dahil sa hindi makalabas ang init sa ating mundo, nakakaranas tayo ng sobrang init ng temperatura (global warming).  Hindi maganda ang dulot ng global warming. Parang chain action lang yan. Pag uminit ang mundo, matutunaw ang mga yelo sa arctic (north pole) at antarctica (south pole) na nagiging sanhi ng pagtaas ng mga anyong tubig na nagdudulot naman ng mga pagbaha sa mga mababang lugar. Ang pabago bagong temperatura ay nagdudulot din ng mga sakit sa tao.  Ang pagkasira ng kapaligran ay itinuturo na isa sa mga sanhi ng paglaganap ng mga virus isa na dito ang virus mula sa lamok na kung tawagin ay dengue.
    
     Hindi ako dalubhasa sa larangan ng kalusugan at sa kapaligran.  Ordinaryong ina lang ako na may malasakit sa tao at sa mga kalikasang nilikha ng ating Panginoon.  Iisa lang ang buhay natin at iisa lang din ang planeta na dapat nating pag ingatan para mas masulit natin ang buhay na regalo sa atin ng Diyos.  Minsan, parang ordinaryong gawain lang ang pagsusunog ng basura, pero dapat alalahanin ang seryosong dulot nito sa atin. 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Learning MPCWA

   In my early christian life, what I used to  do was to read my bible randomly like "mini miny moe".  Later on , I learned to re...