Life in Faith. Parenting. Education. Travel. Nature. Health. Anything under the sun.
Sabado, Mayo 19, 2012
Balat ng Ice Candy
Mainit ang hapon kanina. Kaming mag iina ay naglakad lakad sa aming subdivision. Habang karga ko si Naomi nakasunod naman sa akin si Nathan at Janjan. Dahil mainit nga habang naglalakad ay kumakain si Nathan ng ice candy na ginawa ko noong isang araw pa. Sarap na sarap sya sa ginawa kong ice candy. Napagod kami kaya umupo kami sa bench sa labas ng basketball court. Habang nakaupo, sabi ni Nathan, "mommy may bulsa ka?" sabi ko meron. Iniabot nya sa akin ang balat ng ice candy sabay sabi "Mommy o ilagay mo sa bulsa". Di na ako nag tanong kung bakit. Naalala ko naituro ko sa kanya na kapag nasa labas ng bahay at walang basurahan ibulsa na lang muna ang basura atsaka itapon pag dating sa bahay. Natuwa ako sa ginawa ng anak ko kanina. Nag paalala sa akin na ang isip ng isang bata ay parang sponge na madaling maka absorb. Kaya kahit parang mahirap turuan lang natin sila ng turuan ng mga bagay na sa atin pananaw ay tama. Habang bata pa ay madali silang matuto at makakasanayan nila ito pag laki nila.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Learning MPCWA
In my early christian life, what I used to do was to read my bible randomly like "mini miny moe". Later on , I learned to re...
-
In my early christian life, what I used to do was to read my bible randomly like "mini miny moe". Later on , I learned to re...
-
Ayaw na ayaw ko ng nakaka amoy ng anumang usok. Usok mula sa sasakyan, sigarilyo at lalong lalo na yung nanggagaling sa ...
-
Devotion: February 8, 2020 The Parable of the Rich Fool Scripture: Luke 12:13-21 Context: Jesus was teaching with thousands of cro...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento